sa t'wing marinig awiting pag-ibig
na sumasariwa sugat sa 'king dibdib
naalala ko ang himig ng iyoang tinig
tila hudyat sa 'kin puso sa pagpintig.
hindi inasahang ikaw ay lilisan
kaya't hindi nasabi ang nararamdaman
ngunit sa kabila'y may pag-asam-asam
na ang bulaklak muli'y uusbong sa harapan.
'di maikailang 'ka'y pakanabikan
dahil 'kaw pa rin at ng puso ko'y laman
'di ka man nandito't milya-milyang layo,
'kaw na 'kaw pa rin at hindi magbabago.
sa'n ka ma'y itanim sa puso't isipan
'kaw lang ang bulaklak na kinalulugdan
lanta man ang dahon sa ating halaman,
nakakubling bulaklak pa ri'y aalagaan...